Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga seaman sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer sa Hunyo 25.

Sa abiso ng LRT-2, ang free rides ay simula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Magsisimula 5:30 ng madaling araw ang alok na free rides ng MRT-3 at ito ay matatapos hanggang sa huling biyahe nito sa naturang araw.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

“Pinapaalalahan po ang lahat ng marino na ipakita lamang ang inyong valid na Seafarer's Record Book (SRB) o kaya'y Seafarer's Identity Document (SID) para makapag-avail ng libreng sakay,” ayon naman sa Facebook post ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Philippine News Agency