Nakatakda nang ipatupad ang taas-pasahe ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 (LRT-1) at 2 (LRT-2) sa Agosto.

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang collection date para sa new rates ay sa Agosto 2 o 30-araw matapos na mailathala sa mga pahayagang may general circulation sa Hunyo 19 at 26, at Hulyo 3, 2023.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We at the Department of Transportation (DOTr) believe that this fare adjustment will contribute to maintaining affordable mass transportation services for the two commuter-train lines,” ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino.

Matatandaang una nang inaprubahan ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng DOTr ang minimum boarding fee para sa mga naturang rail lines sa P13.29 mula sa P11, at per kilometer rate na P1.21 mula sa P1.00.

Ipinagpaliban naman ito bunsod ng nakabinbin na pag-aaral sa economic impact sa commuters.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula sa Roosevelt, Quezon City hanggang sa Baclaran, Parañaque City habang ang LRT-2 naman ay bumibiyahe mula sa Recto Avenue, Manila hanggang sa Antipolo City.