Maghaharap sa "Battle of the YouTuber" ang nagkakairingang social media personalities na sina Marlou Arizala alyas "Xander Ford/Xander Arizala" at Christian Merck Grey o mas kilala bilang "Makagwapo."

Ipinakita ni Xander ang kaniyang paghahanda para sa magiging paghaharap nila ni Makagwapo, na mapapanood nang libre at live sa YouTube channel ng isa pang social media personality na si "Makagago Wazzup Man" ngayong Linggo, Hunyo 18, 8:00 ng gabi.

Larawan mula sa FB ni Xander Arizala

Nangako si Xander na patutumbahin niya si Makagwapo, matapos ang ilang mga patutsadahan nila sa social media, dahil sa perang ₱350k na pinag-awayan nila.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Matatandaang nag-ugat ang kanilang bardagulan sa social media dahil sa umano'y pangako ni Makagwapo na sasagutin nito ang binyag ng anak nina Xander at partner na si Gena Mago, na si Baby Xeres.

Matapos ang ilang palitan ng maaanghang na pahayag sa social media, ibinigay rin ni Makagwapo ang pera dahil nadadamay na raw ang anak ni Xander.

Subalit hindi pa roon natapos ang kanilang maiinit na pasaringan sa isa't isa.

MAKI-BALITA: Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo