Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Linggo ng madaling araw, Hunyo 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:52 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 8 kilometro ang layo sa hilagang kanluran ng Rizal, Occidental Mindoro, na may lalim na 3 kilometro.

Naiulat ang instrmental intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Intensity II - San Jose, OCCIDENTAL MINDORO

Intensity I - Magsaysay, OCCIDENTAL MINDORO; Puerto Galera at City of Calapan, ORIENTAL MINDORO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.