Umabot na sa 1.5 kilometro ang ibinugang lava ng Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras.

Sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa lava, rumagasa rin ang mga bato sa bahagi ng Mi-isi at sa Bonga gully ng bulkan.

Dalawa ring pagyanig ang naitala sa bulkan at ito ay sinundan ng 280 rockfall events at siyam na pyroclastic density current (PDC) events.

Nagpakawala rin ito ng 978 tonelada ng sulfur dioxide nitong Hunyo 16

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa 100 metrong taas naman ng usok ang ibinuga ng Mayon Volcano at ito ay tinangay ng hangin pa-kanluran.

Hindi pa ring pinapayagang ang mga residente na pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan dahil sa posibleng pagguho ng mga bato at pagdausdos ng lava.

Ipinaiiral pa rin ang Alert Level 3 status ng bulkan na nakaamba pa ring sumabog anumang oras.