Lumikas ang mga pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) headquarters sa United Nations (UN) Avenue sa Maynila matapos maramdaman ang pagyanig nitong Huwebes ng umaga.

Nagmamadaling lumabas sa MPD main building ang mga tauhan nito nang maramdaman ang Intensity IV dakong 10:19 ng umaga.

Nauna nang natukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng magnitude 6.3 na lindol sa Batangas, o 15 kilometro mula sa Calatagan.

Bukod dito, pinalikas din ang mga senador mula sa Senate of the Philippines building sa Pasay City at mga alkalde naman ng Metro Manila na kasalukuyang nagpupulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) national office sa Pasig City nang maramdaman ang pagyanig.

National

De Lima, proud kay Kathryn sa HLA; ibinahagi larawan kasama standee niya noong 2022

Nagbabala rin ang Phivolcs sa inaasahang aftershocks at pinsala na dulot ng lindol.