Pinag-aaralan nang maipatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang fully automated na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 2026, ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo. 

Ito ay kasunod na rin ng nakatakdang pilot testing ng automated BSK elections sa Oktubre.

“Hindi namin napalawak ang ating pilot test pero titingnan natin for the next Barangay and SK elections maging automated na lahat ‘yung barangay elections depende kung ano ang resulta ng ating pilot testing dito sa… barangays,” anang opisyal sa isinagawang pulong balitaan sa Ilocos Norte nitong Huwebes.

Aminado naman si Comelec Chairman George Garcia na ang nakatakdang pilot testing ng automated election system (AES) ay bilang paghahanda sa automated elections sa 2026.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nitong Pebrero, inaprubahan ng Comelec en banc ang pilot testing ng AES sa Brgy. Zone II, Poblacion at Paliparan III sa Dasmariñas, Cavite at Brgy. Pasong Tamo sa Quezon City.