Nasungkit na ang ₱15 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 15.

Sa inilabas na draw results ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 19-03-45-22-42-32 na may katumbas na ₱15,840,000 premyo. Habang pito naman ang nanalo ng tig-₱50,000 bilang second prize.

Samantala, walang nakahula sa 02-29-10-27-26-14 na winning combination sa Lotto 6/42 kaya hindi napanalunan ang ₱19,503,581.40 premyo. Gayunman, may 67 na mananaya ang mag-uuwi ng tig-₱24,000 para sa second prize. 

May be an image of ticket stub and text

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang lucky winner ay kailangan lamang magtungo sa PCSO main office sa Mandaluyong City para makubra ang premyo.

Kailangan lamang magpresenta na dalawang valid ID at winning ticket. 

Paalala rin ng PCSO na sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang lahat ng lotto winnings na mahigit sa ₱10,000 ay papatawan ng 20-percent final tax.

Ang mga premyo naman anila na hindi makukubra matapos ang isang taon ay mapo-forfeit at otomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang ang Lotto 6/42 ay kada Martes, Huwebes, at Sabado.