Naawa raw si Lolit Solis kay Joey de Leon dahil talagang nalungkot daw ito sa mga nangyayari ngayon. 

Sa isang Instagram post kamakailan, sinabi ni Lolit na teary eyed si JDL kapag kausap ang showbiz writers.

"Naawa naman ako Salve kay Joey de Leon dahil talagang na sad siya sa mga nangyayari ngayon. Very sentimental si Joey de Leon kaya mababa ang luha niya. Teary eyed siya pag kausap ng mga showbiz writers kaya naman feel ng lahat ang sadness niya," aniya. 

Sabi rin niya na maging si Vic Sotto raw, ayon sa misis na si Pauleen Luna, ay naging tahimik nang matagal tuwing sasapit ang tanghali.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Kahit nga si Vic Sotto sabi ni Pauleen Luna talagang naging tahimik ng matagal tuwing sasapit ang oras ng tanghali. Buti na lang at nandiyan si Talitha na pinasasaya siya lagi," sey ng talent manager.

"Naku pag naman inabot ka ng 40 years na lagi kayo magkasama imposible naman talaga makalimot ka. Siyempre nanduon parin iyon feeling mo na magkasama kayong lahat together. Naku matatagalan talaga maka recover dito sa nangyari sa Eat Bulaga. 

"Tutoo nga, mabu Bulaga ka sa mga magaganap na eksena. Hindi mo akalain ha, pagdating pa ng 40 years mangyayari ang ganito. Ayaw ni Talitha niyan, hindi bongga."

Matatandaang kumalas sa TAPE, INC. noong Mayo 31 sina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon (TVJ).

Gayunman, kumpirmado at opisyal nang lilipat sa Media Quest Holdings, Inc. ang TVJ at iba pang Dabarkads hosts na sumunod sa kanila.