Umabot sa 260 rockfall events at 21 na pagyanig ang naitala sa Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod pa ito sa tatlong pyroclastic density current (PDC) events o pagbuga ng lava.

Nasa 642 toneladang sulfur dioxide ang ibinuga rin ng bulkan nitong Hunyo 11.

Naobserbahan din ng ahensya ang ground deformation o pamamaga ng bulkan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ipinaiiral pa rin ang Alert Level 3 status ng bulkan kaya ipinatutupad ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ).

Nagbabala muli ang Phivolcs sa posibleng pagsabog ng bulkan.