Sta. Barbara, Pangasinan -- Nalunod ang isang lalaki habang nanghuhuli ng isda sa kahabaan ng ilog ng Sinucalan sa Brgy. Minien West nitong Sabado, Hunyo 10. 

Kaagad na nagsagawa ng follow up investigation ang Sta Barbara Police at kinilala ang biktima na si Elmer Abuel Quitoles, 43, at residente sa Brgy. Catablan Urdaneta City, Pangasinan.

Lumabas sa imbestigasyon na sinabi ng pinsan ng biktima na kinilalang si George Arayat Quitoles na habang nanghuhuli sila ng isda sa Sinucalan River ay nagpasya silang huminto saglit dahil sa malakas na ulan. Sa kasamaang palad, aksidenteng napunta ang biktima sa malalim na bahagi at nalunod.

Nagawa niyang makuha ang bangkay ng biktima at naisugod ng mga tauhan ng MDRRMO Sta, Barbara Pangasinan sa Mapandan Community Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol