Matapos ang tila pag-amin ng basketbolista/celebrity na si Ricci Rivero na hiwalay na sila ni Kapamilya actress Andrea Brillantes, muling naungkat ng mga netizen ang naging pahayag noon ng huli, na marami siyang nakitang "red flags" sa una.

MAKI-BALITA: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet

Ang "red flags" ay tumutukoy sa mga "warning signs" sa isang tao, katulad na lamang ng pagiging "manloloko," kaya kailangang doble ingat.

Mapapanood sa isa sa "couple vlog" ni Andrea noong Oktubre 4, 2022 ang tungkol sa naging diretsahang pag-amin niyang nakitaan niya ng red flags si Ricci, sa harap nito mismo.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sinagot ni Blythe ang tanong sa kaniya ng netizens na "Ni minsan ba before na naimagine mo na magiging kayo ni Ricci?"

"Hindi po, hindi po talaga! Kasi una mas matanda siya, basketball player siya, LaSallian siya."

"Lahat po ng red flags na nakikita ko sa isang lalaki, nasa kaniya."

Inamin din ni Blythe na ang unang impresyon niya kay Ricci ay hindi maganda.

"First impression ko po sa kaniya mayabang, suplado, akala mo kung sino.”

At ngayong hiwalay na nga ang magjowa, maraming "realization" ang mga tao patungkol sa "red flags."

"Andrea is more into him than him into her. I really did not expect that they will last long. I’ve watched several of their videos and halata namang mas ano si Andrea kaysa sa kanya para ngang napipilitan lang 'yong lalake. You see, in a relationship it should be 100%-100%. You both should put effort hindi yong isa lang kasi di talaga mag wowork out yan. Mabu-burn-out katagalan. Imagine ah Andrea even admitted in one of her interviews that she made the first move para maging sila so ano pa ba ang ini-expect na outcome..."

"You saw the signs, but you ignored it. Syempre ending not gonna work out. The design is baka tumesting lang para 'pag nahanap na yung true love doon na niya ibubuhos lahat ng effort and love niya."

"Yung tipong alam mong red flag talaga para sa'yo yung tao yet sinubukan mo pa rin kung kaya mong mabago..."

"Baka napanood ni ricci rivero ung vlog ni andrea hindi sya papatol sa basketball player lalo nabanggit nya si ricci na red flag sa kanya nachallenge si boy ayan nga nangyari pinakagat lang si andrea tsk tsk tsk!"

Samantala, wala pang opisyal na pahayag si Andrea tungkol dito, subalit pinusuan naman ng netizens ang kaniyang litrato habang nagbabakasyon sa Granada.

MAKI-BALITA: ‘Sa gitna ng breakup issue’: Andrea Brillantes, mistulang ‘unbothered queen’ daw sa latest post