Natanong ang isa sa mga bagong Eat Bulaga host na si Mavy Legaspi, isa sa kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, kung ano ang nararamdaman niya sa bashing na natatanggap nila ngayon mula sa netizens, dahil sa pagiging bagong host nga ng longest-running noontime show, matapos itong layasan ng TVJ at iba pang original Dabarkads hosts.

Nauntag umano si Mavy sa media conference ng "LUV IS: Love at First Read," ang kolaborasyon ng GMA at Wattpad Webtoon Studios. Katambal niya rito si Kyline Alcantara.

Hindi raw siya affected sa mga nababasa niyang kaliwa't kanang bashing sa kanila. Positibo na lamang daw nila itong tinatanggap. Sanay naman daw sila sa kritisismo dahil bahagi ito ng kanilang buhay bilang celebrities.

Bago nila tanggapin ng kambal na si Cassy Legaspi ang trabaho, kumonsulta muna sila sa kanilang Mommy at Daddy.

National

Dahil sa mataas na rating: PBBM, mas gagalingan pa raw ang trabaho

Kahit medyo hindi raw at ease si Carmina sa posibleng bashing na matanggap ng mga anak, sumuporta daw ito sa desisyon ng dalawa na pasukin na ang hosting sa nabanggit na noontime show.

Para kay Mavy, "trabaho lamang ito at walang personalan."

Nabanggit din ni Mavy na nagpasintabi raw si Mina sa TVJ bago ang kanilang desisyon. Hindi na sinabi ni Mavy kung ano ang naging tugon dito ng tatlo.