Nasa 3,000 residente ang inilikas dahil sa pinangangambahang pagsabog ng Mayon Volcano.

Binanggit ni Albay Governor Edcel Lagman sa panayam sa radyo nitong Sabado, dalawang araw pa nilang sinimulan ang paglikas sa mga residente na nasa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) kasunod ng matinding pag-aalburoto ng bulkan.

Aniya, posible pa ring ilikas ang aabot sa 8,000 pamilya kapag itinaas pa sa level 4 ang alert status ng bulkan at lumawak pa ang radius PDZ nito.

Naunang binanggit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakitang nasa bunganga ng bulkan ang bagong lava dome kasunod ng naitalang 59 rockfall events at isang pagyanig sa nakalipas na 24 oras.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kaugnay nito, nanawagan si Lagman sa pulisya at militar na tumulong upang matiyak na hindi na muna babalik sa kanilang lugar ang mga evacuee para na rin sa kanilang kaligtasan.