Inumpisahan na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Daraga, Albay nitong Biyernes ang preemptive evacuation dahil sa nakaambang pagsabog ng Mayon Volcano.

Ang mga inilikas ay saklaw ng 7-kilometer radius permanent danger zone mula sa bulkan, ayon sa MDRRMO.

Nakahanda na rin ang mga modular tent sa Camalig Bungkaras Evacuation Center (CBEC) sa Barangay Bongabong para sa mga inaasahang evacuee mula sa Brgy. Tumpa na isa sa maaapektuhan sakaling sumabog ang Mayon Volcano.

Gagamitin namang temporary shelter ang isang paaralan sa Oson, Tabaco City para sa mga dadagsang evacuees sa lugar.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naka-standby din ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Albay Philippine National Police, at medical personnel upang tumulong sa mga residente sakaling magkaroon ng matinding pagsabog ng bulkan.

Ipinaiiral pa rin ang Level 3 alert status ng bulkan.