Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, maghahandog rin ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay para sa kanilang mga pasahero sa Lunes, Hunyo 12.

Sa abiso ng MRT-3, nabuntis na ihahandog ang libreng sakay mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM.

"Ang libreng sakay ay simpleng paraan ng MRT-3 at DOTr upang makiisa sa paggunita sa ika-125 na anibersaryo ng araw ng pagkamit ng kasarinlan ng bansa, at pag-alaala sa sakripisyo ng ating mga bayani. Nawa ay manatiling buhay sa ating mga pasahero ang diwa ng okasyon na pagkakaisa at pagmamahal sa bayan," ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

Ang libreng sakay ay taunang aktibidad ng MRT-3, kasama ang Department of Transportation, upang gunitain ang Araw ng Kalayaan.

National

Bagyong Gener, napanatili ang lakas; malapit na sa WPS

Ang Araw ng Kalayaan ngayong taon ang may temang "Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan."

Samantala, may libreng sakay rin ang LRT-1 at LRT-2.