Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao de Oro nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:30 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 3 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Compostela, Davao De Oro, na may lalim na 22 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa New Bataan, Davao de Oro, habang Intensity III sa Nabunturan, Davao de Oro.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Naitala naman ang Intensity II sa Maco at Laak, Davao de Oro, at Intensity I sa City of Mati, Davao Oriental.

Samantala, naiulat ang instrmental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Nabunturan, Davao de Oro

Intensity I - City of Davao, Davao del Sur

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.