Opisyal nang pinangalanan ng GMA Network ang apat na coaches sa inaabangan nang The Voice Generations Philippines.

Nitong Biyernes, ipinakilala na sina Chito Miranda, Billy Crawford, Julie Anne San Jose at SB19 Stell bilang newest coaches ng spin off sa kilalang reality show.

Ngayon pa lang, nagpahayag na ng magkahalong kaba at excitement ang mga napiling imahe ng show na ipapalabas naman soon sa Kapuso Network.

Una nang nakita sa ilang talent reality shows sina Chito, Billy at maging si Julie Anne.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Samantala, fresh at first-time ang oportunidad para sa main vocalist, lead dancer at choreographer ng P-pop powerhouse SB19 na si Stell na gayunpaman ay excited din sa magiging produkto ng show.

Ang The Voice Generations ay spin off ng kilalang The Voice kung saan ang hopefuls ay mga grupo na binubuo ng dalawa o higit pang miyembro.

Dagdag na twist ang sampung taong age gap ng mga miyembro sa naturang grupo.

Maliban sa reveal na ng mga coach, wala pang dagdag na detalye kagaya ng petsa ng pag-ere, ang inilalabas kaugnay ng show.