Instant milyonaryo ang isang taga-Makati matapos manalo ng ₱8.9 milyon sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Hunyo 7. 

Anunsyo ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng taga Pio Del Pilar, Makati City ang winning combination na 27-10-1-08-40-36 na may premyong ₱8,910,000.00. 

May be an image of text that says 'PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE CONGRATULATIONS! MEGALOTTO 6/45 NATIONAL LOTTERY JACKPOT WINNER Wednesday, June 7, 2023 27 10 18 08 40 36 WINNING COMBINATION Php 8,910,000.00 8,910,0 JACKPOT PRIZE One (1) Winning Ticket was bought in 18+ Pio Del Pilar, M” *Prizes above p10,000.0 subject 20% pursuant TRAIN winnings should laime date th /pcsoofficialsocialmedia otherwise same would /PCSO GOV forfeited form part Charity Fund. www.pcso.gov.ph'

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang lucky winner ay kailangan lamang magtungo sa PCSO main office sa Mandaluyong City para makubra ang kaniyang premyo.

Kailangan lamang magpresenta na dalawang valid ID at winning ticket. 

Paalala rin ng PCSO na sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang lahat ng lotto winnings na mahigit sa ₱10,000 ay papatawan ng 20-percent final tax.

Ang mga premyo naman anila na hindi makukubra matapos ang isang taon ay mapo-forfeit at otomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.