San Fernando, Pampanga -- Nagbalik-loob sa gobyerno ang 20 miyembro ng farm group sa Nueva Ecija.

Ang intelligence-driven operations ng Regional Mobile Force Battalion 3 na pinangunahan ni Acting Force Commander PLTCOL Jay C. Dimaandal ay nagresulta sa pag-withdraw ng suporta ng 20 miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) mula sa communist group, sa 303rd MC Headquarters, Gapan City, Nueva Ecija noong Martes, Hunyo 6.

Samantala, boluntaryong sumuko si "Ka Rambo," dating miyembro ng Kilusang Larangan Guerilla (KLC West) sa tauhan ng 1st Pampanga Provincial Mobile Force Company kasama ang concerned units sa Brgy. Hacienda Dolores, Porac, Pampanga.

Itinurn-over din ni Ka Rambo ang cal.45 pistol, pitong live ammunitions, at M49A2 60mm mortar. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol