Itinakda na sa Hunyo 13 ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa kasong murder laban kay suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr.

Ito ay kaugnay sa pagpaslang sa 10 katao, kabilang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo nitong Marso 4, 2023.

Pagdidiin ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon nitong Miyerkules, naglabas na sila ng summons laban kay Teves at lima pang co-respondents nito upang maghain ng counter-affidavits sa kasong 10 counts of murder, 14 counts of frustrated murder, at four counts of attempted murder.

Bunsod nito, inaasahan ng panel na pinamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat, na maisusumite ni Teves at kanyang co-repondents ang kanilang counter-affidavit sa Hunyo 13 o bago sumapit ang nasabing petsa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Si Teves ay nagtungo sa ibang bansa nitong Pebrero at hindi pa bumabalik sa bansa kahit expired na ang travel authority nito dahil umano sa banta sa kanyang buhay

Nag-ugat ang kaso matapos paslangin si Degamo sa compound nito sa Pamplona, Negros Oriental nitong Marso 4.

Bukod kay Degamo, siyam na iba pa ang napatay matapos sugurin ng mga hindi nakikilalang lalaki ang nasabing lugar.