Sa isang throwback performance video ng naging blind audition ipinagdiwang ni Kapamilya singer-actor Kyle Echarri ang kaniyang ikawalong anibersaryo sa showbiz.

Ito ang madaratnan sa kaniyang Instagram post, Martes kalakip ng isang mensahe sa sarili at sa fans.

“Crazy to think exactly 8 years ago today, this little kid auditioned for the voice kids. Just wanna say thank you to everyone who’s been supporting me through the years and can’t wait for the 8 more years ahead. Love you all, ❤️” ani Kyle.

Matatandaan ang mahiyain pang batang Kyle noong sumalang sa talent reality show noong 2015 kung saan napunta siya sa gabay ni ">Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ilang fans at kaibigan naman ang naki-celebrate sa anibersaryo ng Kapamilya young star.

“Proud of you always brother,” komento ni Leon Barretto.

“Love you so much man,” ani Bailey May.

Sina Eula Valdez, Marjorie Barretto, KZ Tandingan at Zephanie Dimaranan ay naantig din sa pa-throwback ni Kyle.

Matapos ang walong taon, maliban sa pagiging performer, isa na ring promising na aktor, modelo, at certified online personality ang young talent.