Bumilis na ang biyahe sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ngayong taon kumpara noong 2020.

Sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hanggang nitong Mayo 2023 ay nasa 24.98 kilometers per hour (kph) ang travel speed sa nasabing kalsada, mas mabilis kumpara sa 21.67 kph noong 2020.

Sinabi ng MMDA, dumami ang sasakyan sa EDSA kung saan nasa 426,000 ang naitala ngayong taon kumpara sa 405,000 noong 2019

Noong Hunyo 2020, umarangkada ang EDSA Carousel bus na siyang humalili sa dating ruta ng city buses. Target nitong pabilisin ang pagbiyahe para sa mga commuter.

Metro

Quezon City LGU, nakapagtala ng 2 bagong kaso ng mpox

Sa kabila ng naturang travel speed sa EDSA, sinabi naman ng mga motorista at commuter na hindi nila ramdam ang pagkakaiba.