Naikuwento ni Kapuso star Bea Alonzo na noong bata pa siya, nagkaroon siya ng aksidente na inakala niyang magpapabago sa buhay niya at magkakaroon siya ng speech defect, ayon sa &t=706s">vlog ni Mariel Rodriguez.

Isinagawa ng dalawa ang "Two Truths and a Lie" kung saan huhulaan nila sa isa't isa kung alin sa tatlong detalye sa buhay nila ang kasinungalingan o lie.

Isa sa mga naging paksa nila ay kanilang childhood.

Ang ibinigay na detalye ni Bea, unang-una, mahilig siya sa kamatis, naputol ang bahagi ng dila niya dahil nadulas siya, at ninakaw niya ang alkansya ng pinsan niya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Tama ang hula ni Mariel na ang pangatlong detalye ang lie. Naniniwala kasi si Mariel na hindi "magna cum laude" o cleptomaniac si Bea.

Bagay na totoo naman daw, kumpirma ni Bea.

So, totoo nga na naputulan siya ng dila noong bata pa!

"May kinukuha kasi ako doon sa taas ng aparador..." ani Bea

"Nakagat mo ba?" sundot kaagad na tanong ni Mariel.

"Oo nakagat... parang pumunta ako sa chair tapos pumatong ako sa chair para kuhanin ko yung ipon ko kasi nga may bibilhin ako. Tapos pagbaba ko ng chair, tumatakbo ako, nadulas ako do'n sa basahan. Tapos nakagat ko yung dila ko," kuwento ni Bea.

Nang lumapit daw siya sa mama niya upang ipakita ang kaniyang dila, hinimatay raw ito lalo na nang makitang duguan na siya.

"Akala ko magkakaroon ako ng speech defects... pero hindi naman, thank God," dagdag pa ni Bea.

Sa vlog ding ito naisalaysay ni Bea na may ex-jowa siyang halos araw-araw siyang pinagpapatimbang upang malaman kung nadagdagan ba ang kaniyang bigat.

MAKI-BALITA: Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya