Kontrobersyal ang pagbabalik sa ere at unang live programming ng noontime show na "Eat Bulaga" matapos ipakilala ang mga bagong hosts nitong sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro, at kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.

"Dabarkads, tara, Eat Bulaga na!" anyaya ni Paolo sa avid Eat Bulaga viewers matapos ang kontrobersyal na pamamaalam ng TVJ sa noontime show kasama ang iba pang co-hosts.

Bago ang naturang pag-ere nang live ng Eat Bulaga, naglabas ang show ng teaser video na may nakalagay na “EB is LIVE” at pagkatapos ay nag-transition ito sa “EB is ALIVE.”

Ano nga ba ang reaksiyon at komento ng Dabarkads sa bagong line-up ng hosts? May mga hinahanap-hanap pa rin ang dalang isang libo't isang tuwa ng TVJ at original hosts

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"ORIGINAL EAT BULAGA PA RIN!"

"Ginawa n'yong circus ang Eat Bulaga. Binaboy n'yo yung matagal na pinaghirapan ng TVJ. Saka, ay sus, maniwala kayong audience talaga nila 'yang mga nasa studio. Mga kamag-anak nila malamang ang mga 'yan o mga kapitbahay nila na binitbit lang nila para masabing may audience sila. Kakapal ng mukha."

"Wala namang masama sa line-up ng hosts, trabaho lang walang personalan, pero siyempre, sila ang pagbubuntunan ng galit ng mga tao dahil sila ang napapanood at humaharap sa audience."

"Sana palitan na lang title, 'wag na lang Eat Bulaga, kasi hindi na maaalis 'yon sa isipan ng mga tao, 'pag sinabing Eat Bulaga, TVJ, JoWaPao, AlDub kaagad ang maiisip."

"Palitan n'yo ang title na lang! Parang hindi na nga Eat Bulaga, parang extension na nga ng All-Out Sundays o Sunday Pinasaya."

"Kung ako sa management palitan na lang ang name, para mas makapagsimula nang maayos ang hosts."

Samantala, marami rin ang nagtanggol na bigyan naman ng pagkakataon ang mga bagong hosts na ipakita ang kanilang talento.

MAKI-BALITA: Eat Bulaga, umere na muli nang live kasama ang bagong hosts