Binuksan na ng Office of the Vice President (OVP) nitong Linggo, Hunyo 4, ang OVP-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) satellite office nito sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, na lumahok sa opening ng OVP-BARMM, ang itinayo nilang satellite office sa BARMM ay naglalayong maibigay ang mga serbisyo ng OVP sa mga mamamayan sa malalayong lugar.

Ito na umano ang pang-siyam na satellite office ng OVP mula nang manungkulan si Duterte noong 2022.

“Magiging katuwang natin ang BARMM office sa pagpapatupad ng iba pang programa gaya ng Mag Negosyo Ta ‘Day, PagbaBAGo campaign, Kalusugan Food Truck, Pansarap nutritional feeding program, at calamity response sa ilalim ng Disaster Operations Center,” ani Duterte sa kaniyang Facebook post.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Bukod sa BARMM, may iba pa umanong satellite office ang OVP sa mga lungsod ng Cebu, Tacloban, Davao, Zamboanga, Tandag, Isabela, Dagupan, at Bacolod.