Matapos kumalas ang original hosts na sina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) sa TAPE, Inc., umere na muli nang live ang Eat Bulaga nitong Lunes ng tanghali, Hunyo 5, kasama ang bagong hosts nito.

Opisyal nang ipinakilala ang bagong hosts na noontime show na sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro, at ang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi.

Bago ang naturang pag-ere nang live ng Eat Bulaga, naglabas ang show ng teaser video na may nakalagay na "EB is LIVE" at pagkatapos ay nag-transition ito sa "EB is ALIVE."

Matatandaang inanunsyo ng TVJ noong Miyerkules ng tanghali, Mayo 31, sa pamamagitan ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” ang kanilang pagkalas sa producer nitong TAPE, Inc.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

MAKI-BALITA: ‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

Naglabas naman ng pahayag ang TAPE, Inc. kamakailan hinggil sa naturang pagkalas ng hosts at sinabing ang kanilang pag-alis ay “hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo.”

MAKI-BALITA: TAPE, Inc., naglabas na ng pahayag hinggil sa pagkalas ng TVJ

Matapos ang ang pagkalas ng TVJ, umalis na rin umalas na rin sa TAPE, Inc. ang co-hosts ng Eat Bulaga na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, at Allan K.

MAKI-BALITA: Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.