Ipinagbawal muna ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbisita sa mga nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City hanggang Hunyo 9.

Sa social media post ng BuCor, hindi binanggit ang dahilan ng kanilang hakbang.

“Pansamantala pong kinakansela ang pagbisita sa Maximum Security Compound, New Bilibid Prison mula Hunyo 2-9, 2023," ayon sa abiso ng BuCor.

Pinayuhan din ng BuCor ang mga kaanak ng mga preso o persons deprived of liberty (PDLs) na abangan na lamang ang kanilang anunsyo sa social media.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matatandaang ibinalik ang visitation privileges sa NBP at sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City nitong Mayo 25 matapos suspindihin ng dalawang linggo dahil na rin sa hawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa mga preso.

Jeffrey Damicog