Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Hunyo 1 ang pamamahagi ng emergency cash assistance sa mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro kamakailan.

Ayon sa DSWD, ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay inilaan sa mga mangingisdang nawalan ng pagkakakitaan mula nang bumulwak ang langis ng lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro nitong Pebrero.

Sa unang araw ng pamamahagi ng cash assistance, sinabi ng DSWD na umabot na sa 246 na mangingisdang may bangkang de-motor ang nakinabang na sa programa.

Makakatanggap ng ₱12,236 bawat isa ang mga mangingisdang may motorized boat..

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Aabot naman sa ₱6,118 ang matatanggap ng mga mangingisdang hindi gumagamit ng motor sa kanilang bangka.

Nitong Pebrero 28, lumubog sa lugar ang naturang oil tanker habang bumibiyahe patungong Iloilo mula sa Bataan matapos salubungin ng malalaking alon.