Isasagawa na ng Pilipinas, United State at Japan Coast Guards ang kanilang maritime exercise sa karagatang sakop ng Mariveles, Bataan nitong Hunyo 1.

Ilalabas ng Philippine Coast Guard (PCG sa nasabing pagsasanay ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702), BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Boracay (FPB-2401), at isang 44-meter multi-role response vessel.

Gagamitin naman ng US Coast Guard ang kanilang USCGC Stratton (WMSL-752) habang isasabak naman ng Japan CG ang Akitsushima (PLH-32) nito.

Sa pahayag ng PCG, layunin ng trilateral maritime exercise na mapatatag ang kanilang interoperability sa pamamagitan ng

National

Billboard ni Benhur Abalos, pinuna ni Clarita Carlos

communication exercises, maneuvering drills, photo exercises, maritime law enforcement training, search and rescue (SAR) at passing exercises.

Tatagal ang naval drills hanggang Hunyo 7, ayon kay PCG Vice Admiral Rolando Punzalan. Jr.

"The US Coast Guard and Japan Coast Guard have been assisting us in our human resource development program, particularly in law enforcement training. This is a good opportunity to thank and show them what our personnel learned from their programs," dagdag pa ni Punzalan.

Philippine News Agency