Nagsagawa ng counter-terrorism exercises ang Philippine Coast Guard (PCG) na sinalihan din siyam pang bansa sa karagatang sakop ng Mactan, Cebu kamakailan.

Sa social media post ng PCG, ang simulation exercises na pinangunahan ng mga tauhan ng Coast Guard District Central Visayas ay bahagi ng Asia Counterterrorism Intelligence Cooperation (ACTIC) 2023 Expertise Exchange kung saan naging punong abala ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Intelligence Service (NIS) ng Republic of Korea.

Sa naturang pagsasanay, ipinamalas ng PCG ang kanilang kakayahan sa maritime law enforcement, maritime security, maritime safety, maritime search and rescue, at marine environmental protection.

Lumahok din sa counter-terrorism exercises ang mga kinatawan ng Czech Republic, Japan, Sweden, Indonesia, Kazakhstan, Malaysia, Republic of Korea, Thailand, at Uzbekistan.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA