Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang dalawang umano'y biktima ng human trafficking na pupunta sana sa Singapore.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang dalawang babaeng biyahero, na may edad 25 at 34, ay dinakip ilang sandali bago sila sasakay sa kanilang flight.

Iginiit pang walang kaugnayan ang dalawa at sinabing sila ay lilipad pa-Singapore bilang mga turista.

Gayunpaman, sa karagdagang pagsisiyasat, nalaman na ang dalawa ay may mga aktibong permit sa trabaho para sa entertainment purposes sa Singapore.

National

PBBM, itinangging nagbitiw na si DND chief Teodoro: 'Imbento 'yan ng mga desperado!'

Batay sa imbestigasyon, nag-apply ng trabaho online ang dalawa at kalaunan ay inatasan na itago ang kanilang tunay na plano sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga turista.

Ayon sa mga biktima, nagbayad sila ng P30,000 at P15,000 para mapadali ang pagproseso ng kanilang mga dokumento.

"In many cases, these victims are made to believe that they will be working as entertainers, but many end up forced to work in the sex trade,"  ani Tansingco.

Ibinigay ng BI ang mga biktima sa CIA Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang legal na paglilitis laban sa kanilang mga recruiter.

Jun Ramirez