Hindi nakapagtimpi si Megastar Sharon Cuneta at sinagot ang isang basher na nagsabing sumisipsip siya kay "FPJ's Batang Quiapo" lead star at director Coco Martin para mapasama siya sa seryeng ito.

Matatandaang naging bahagi si Mega ng matagumpay na "FPJ's Ang Probinsyano" na tumagal sa ere ng pitong taon.

Ibinahagi kasi ni Mega sa kaniyang Instagram account ang litrato nina Coco at partner nitong si Julia Montes nang dumalo sila sa screening ng ABS-CBN-GMA Network-Viu Philippines collab series na "Unbreak My Heart kamakailan, na finally ay umamin na rin sa kanilang relasyon matapos ang 12 taon.

"Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!! 😂🙏🏻💖💖💖 Happy si Mommy ‘mysha!🥰🥰🥰@montesjulia08 @cocomartin_ph," pagbubunyi ng Megastar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"I became close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’s Ang Probinsyano towards the end of 2021. Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other."

"They are happy and that makes me and so many others happy. I love them both very much - and no matter what, my friends know that I am protective and loyal and supportive - and that certainly will not change! I believe people should focus on what is and what will be rather than what was. Let’s all be happy with our own lives and be happy for them!" ani Shawie.

Isang basher naman ang umeksena at nagkomentong kaya raw todo-puri si Shawie ay nais magpapansin para masama nga ni Coco sa BQ (Batang Quiapo).

Screengrab mula sa IG ni Sharon Cuneta via Fashion Pulis

Bagay na hindi naman pinalampas ni Sharon.

"Excuse me? Saang planeta ka lumaki?"

"May sarili akong mga trabaho. Busy ako."

Iginiit din ni Mega na hindi siya ang nagpresenta kay Coco para mapabilang sa Probinsyano kundi siya ang inimbitahan. Ibinida rin ni Shawie na may nakalinya siyang dalawang teleserye at mga pelikula.

"Lumagay ka sa tama. Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista yung wala nang alam bastos pa," banat pa ng Megastar.

Screengrab mula sa IG ni Sharon Cuneta via Fashion Pulis

Hindi na makikita sa comment section ang komentong ito ng naturang basher.