Apat na miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay matapos makasagupa ang mga sundalo sa Catarman, Northern Samar nitong Linggo.

Hindi pa nakikilala ng militar ang mga napatay, kabilang ang dalawang babae na pawang kaanib ng NPA sub-regional guerilla unit.

Tumagal ng 15 minuto ang sagupaan sa magubat na bahagi ng Barangay Mabini nitong Mayo 28 ng hapon.

“Acting on tips from residents on the presence of armed NPA rebels, our troops have been patrolling the boundaries of Catarman, Bobon, and Lope de Vega towns. It was almost an ambush since the NPA rebels opened fire on the patrolling soldiers,” paliwanag naman ni Philippine Army (PA)-803rd Infantry Brigade spokesperson Capt. Valben Almirante.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pagkatapos ng labanan, narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang M16 Armalite rifle, dalawang caliber .45 pistol, mga magazine at personal na gamit ng mga rebelde.

Philippine News Agency