Matatapos na sa susunod na buwan ang paglilinis sa oil spill sa Oriental Mindoro, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Sabado.

Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Office chief Cheloy Garafil kasunod na rin ng pagdating sa bansa ng dynamic support vessel (DSV) na hihigop sa latak ng 800,000 litrong industrial fuel oil mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Ang naturang DSV ay dumating sa Riviera Pier sa Subic Bay Freeport Zone nitong Biyernes, ayon sa Malacañang.

Tatagal aniya ng 30 araw ang huling bahagi ng cleanup operations.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakatakdang umalis sa Subic ang barko sa Mayo 28 ng gabi at inaasahang darating sa Batangas kinabukasan.

Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28 habang patungong Iloilo mula Bataan matapos hampasin ng malalaking alon.