Para kay Kapamilya star at isa sa mga tinitingala at sikat na leading man ngayon sa kaniyang henerasyon na si Joshua Garcia, ang kaniyang "love expression" para sa taong espesyal sa kaniya ay "physical touch."

Bukod sa kaniyang paraan ng paghalik on-screen at sa tunay na buhay, nauntag din sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong May 25 episode kung ano ba ang kaniyang love expression.

Naikonekta ito ni Tito Boy tungkol sa kissing matapos aminin ni Joshua na iba ang paghalik niya on-screen sa tunay na buhay.

"Ang kissing ba para sa iyo is your love expression as a person?" tanong ng King of Talk.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Yes Tito Boy, ako kasi love language ko is physical touch eh, first ko 'yon... importante sa akin yung naididikit ko yung kat... kamay ko, nahahawakan ko siya... mahawak po ako, ma-hug... hindi rin naman sa love ones ko, pati sa pamilya..." ani Joshua.

Malaki ang pasasalamat ni Joshua sa kaniyang leading ladies, lalo na kay Gabbi Garcia na unang beses niyang nakatrabaho, sa pagtitiwala nila sa kaniya sa kanilang maiinit na eksena sa Unbreak My Heart.

BASAHIN: 'Werpa ng dila!' Joshua Garcia umamin kung paano 'humigop' sa personal na buhay