Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Masbate nitong Huwebes ng gabi, Mayo 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 11:26 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Uson, Masbate, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Cataingan, Masbate

Intensity II - Aroroy, Masbate; Leyte at Kanaga, Leyte; Catbalogan City, Samar

Walang namang inaasahan ang Phivolcs posibleng aftershocks ng lindol, ngunit inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.