Nagtalaga ng bagong opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Sa social media post ng DSWD, si DSWD Assistant Secretary Diane Rose Cajipe ay ipinuwesto ni Marcos bilang bagong undersecretary ng ahensya nitong Mayo 24.

Pinanumpa na rin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian si Cajipe sa kanyang tungkulin sa Central Office sa Batasan, Quezon City, nitong Huwebes, Mayo 25.

Bago ipinuwesto sa DSWD, dalubhasa na si Cajipe sa obstetrics at gynecology at dati rin siyang naging Public Information Officer ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital hanggang sa italaga bilang Assistant Secretary ng ahensya.
National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'