Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Isabela nitong Huwebes ng umaga, Mayo 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 7:55 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 32 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Maconacon, Isabela, na may lalim na 27 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Maconacon, Isabela, habang Intensity III sa Divilacan, Isabela.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naiulat naman ang Intensity II sa Peñablanca, Tuguegarao City, at Enrile, Cagayan, maging sa Palanan, Isabela, habang Intensity I sa Iguig, Cagayan, maging sa Mallig, at Ilagan, Isabela.

Samantala, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III- Peñablanca, Cagayan

Intensity I- Gonzaga, Cagayan

Walang namang inaasahan ang Phivolcs posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.