Ibinahagi ng host na si Jhai Ho ang mga ganap sa tila mini reunion nila ng couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o “KathNiel” sa katatapos lang na 2023 Star Magic All-Star Games.

Sa serye ng mga Instagram posts, inilahad ni Jhai Ho kung gaano niya kamahal at namiss ang KathNiel, kung saan ibinida niya ang litrato nila ni Kathryn. Sa isa pang Instagram post, makikita ang litrato nila ni Daniel.

Ekslusibong nakapanayam ng Balita si Jhai Ho at inilahad nito na masaya siya sa pagkakapili sa kaniya upang maging host ng taunang sports event ng mga Kapamilya stars, na siyang naging tulay upang makasama niya muli ang KathNiel.

“For All-Star Games, yearly nilu-look forward ko talaga ‘yan. Ever since kasi nagsimula at nagkaroon ng ‘ASG’ ako na talaga ang host, noon noon pa, so talagang for me taon-taon ‘pag sinasabihan ako dapat laging may paandar,” lahad ni Jhai Ho.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Itong year na ‘to, 2023, paandar ko is bukod sa pagiging host at bilang Star Magic artist naman ako for the first time,” dagdag pa niya.

Nang usisain naman ang host tungkol sa KathNiel, iginiit nito na hindi nagbago ang dalawa.

“KathNiel for me sobrang walang pinagbago. Mahal na mahal ko sila. Period. Kung paano ko sila nakilala mula simula hanggang ngayon hinding-hindi nagbabago si Kathryn at si DJ, as in yung friendship namin kung gaano nila ako kamahal din same na same. Hindi pwede na hindi kami mag-chikahan sa backstage kasi everytime may ganitong event nasa same backstage nila ako talaga,” aniya.

Idinetalye rin ni Jhai Ho ang ilan sa mga eksena sa kanilang muling pagsasama.

“This year ang chikahan namin same pa rin sa mga nakaraang taon. Miss na miss namin lagi ang isa’t isa, mahigpit na yakap always. Proud na proud silang dalawa sa’kin and still aliw na aliw sila sa mga pinaggagawa ko. After nga ng game this year pagpasok ko sa dressing room nila, si Kathryn ‘yung una kong naka-chika kasi nagsho-shower si DJ. Sabi niya kulang daw yung sigaw ko kay DJ kaya natalo. Nag-joke siya. Sabi ko, ‘Siyempre Kath whole day na’ko nagho-host, naubos pero tinodo ko naman.’ Tapos kulitan kami, kain-kain, ganyan tapos talagang yakapan. After mag-shower ni DJ, paglabas niya kinamusta niya ako. Sabi ko, ‘Okay lang yan, Din’ (tawag namin sa kaniya at ng family niya is Dindin).’ Tapos ‘yung after nung recent photo namin sabi niya i-message ko siya lagi daw siya now sa bahay lang at bonding kami at miss na nila ako dahil diba nag-pandemic na-busy sa mga kaniya-kaniyang ganap so medyo bihira ang mga gatherings or paganap sa house nila, dumadalaw naman ako sa kanila,” sey ni Jhai Ho.

Matatandaang taong 2015 naging bahagi si Jhai Ho ng ABS-CBN teleserye na “Pangako Sa’yo” kung saan ginampanan niya ang papel ni Coring, na siyang pinagbidahan naman ng KathNiel.