Tuloy-tuloy ang pag-alagwa ng career ng Kapamilya actress na si Belle Mariano kasunod ng anunsyo ng kaniyang first major solo concert.

“Don't get puzzled anymore because Belle Mariano is ready to complete her musical journey with her first solo live major concert!

And YOU are the missing piece she's looking for! Make sure YOU are there when Belle's much-awaited milestone happens!

Belle is… ‘BELOVED’

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Concert date and ticket selling details will be out SOON,” lahad ng Rise Artists Studio sa kanilang social media accounts.

Agad namang umapaw ng pagbati at pagka-excite mula sa fans ni Belle sa comments section mula sa naturang post, habang top trending naman sa Twitter ang hashtag na “#BelovedBelleConcert” kasabay nang buhos ng suporta para sa tinaguriang “New Gen Phenomenal Star.”

Bagama’t solo concert ito ni Belle, umaasa ang ilang fans sa posibilidad ng special appearance ng kaniyang on-screen partner na si si Donny Pangilinan. Kaniya-kaniyang hula at hiling na rin ang mga ito sa mga gusto nilang makita mula kay Belle.

Sa ngayon ay wala pang pinal na petsa, venue, at ticket selling details ang nasabing solo concert ni Belle na siyang ihahatid ng ABS-CBN Events, Star Pop, Star Magic, at Rise Artists Studio.