'From 'Savior' to 'Queen''

Viral muli sa social media ang larawan ng isang Facebook user na si Althea Louise Beo nang proud na ibinahagi ang kaniyang glow up mula sa batang tambay sa kalye sa pagiging isang reyna sa Santacruzan sa kanilang lugar sa Quezon City.

Nito nga lamang ay muling nag-viral si Althea nang magbahagi ito ng post na nagpapakita ng kaniyang pak na pak na glow-up.

"Nang matapos kong iligtas ang sanlibutan, 2014 vs 2023,” caption niya sa Facebook post.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kalakip nito ang kaniyang larawan noon na animo'y itatali sa krus at katabi naman nito ang kaniyang larawan na mukha ng isang ganap na babae.

Matatandaang nag-viral noong 2014 ang larawan niya nang aniya napagtripan umano siya na itali sa krus ng kaniyang mga kalaro.

Kaya naman narito ang ilang komento ng netizens:

"Slayyy!"

"From PINAKO SA KRUS to SANTACRUZAN"

"Bro changed team"

"Hesus sa krus ikay namatay nabuhay muli doon sa santa cruzan"

"Nabuhay muli para mag slay"

"Raul sa krus ika'y namatay, nabuhay muli at ika'y bumigay"

"Kailangan palang isakripisyo muna ang sarili sa krus bago magbloom."

"God is a woman"