"Pinabillboard ako ni koya para sa iphone14."

Iyan ang caption ng social media personality na si Toni Fowler matapos umano siyang ipa-billboard ng isang vlogger na nagngangalang "Jose Guanzon" para mapansin niya't mabiyayaan ng tumataginting na iPhone 14.

Ibinida ni Toni sa kaniyang TikTok at Facebook account ang pa-billboard ng naturang fan.

Noong una raw ay hindi naniwala si Toni, subalit nagpadala sa kaniya ng mensahe ang kaniyang pinsan, at ibinalita nga nito sa kaniya na nakabalandra na siya sa billboard.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Mababasa sa billboard ang "IDOL KO SI MOMMY ONI" at may litrato pa nilang dalawa.

Biro ni Toni, wala siya sa mood mamigay ng iPhone 14 at ipahanap ang vlogger dahil nabash siya sa bagong music video na inilabas niya kamakailan, ang "MNM" o "Masarap na Mommy."

Pero ang ending, nakipagkita nga siya sa vlogger na nagpa-billboard sa kaniya at personal na iniabot dito ang papremyo.