Mukhang nagkaayos na at in good terms na sina Sachzna Laparan at ang vlogger na si Veybillyn Gorens, matapos ang naging sagutan sa social media noong Huwebes, Mayo 18, 2023.

Nagparinig kasi si Veybillyn sa Facebook tungkol sa isang magandang babaeng "kumakabit."

"Sayang ganda mo bhieee kung kumakabit ka lang huhu."

Tumugon dito si Sachzna kalakip ang screenshot ng ipinadalang mensahe sa kaniya ni Veybillyn. Mababasa rito ang pahayag na "Di kayo marunong rumespeto? HAHAHAHA."

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Puro tahol walang kagat. Basta tinanong ko kung okay lang ba siya," ani Sachzna.

"Mhie samin ka ba nangabit or sa asawa ng…HAHAHAHAHA KATAWA KA RESPETO LANG PO HININGI SAYO nung times na di kami okay ni Jomar natamaan ka agad sa post ko," banat naman ng vlogger.

Dagdag pa, "Proud ka pa sa sarili mo na kabit ka na nga nuon, kumakabit ka pa ngayon. Hahaha. Go lang girl, di ka naman tinag tumatahol ka."

Si Veybillyn ay girlfriend ng isa pang vlogger na si Jomar Lovena, na dating katambal ni Sachzna sa kaniyang vlogs. Ayon sa ulat, nakarating umano sa kaalaman ni Veybillyn na magkasama ang jowa niya at si Sachzna sa Siargao para dumalo sa isang charity event.

Sang-ayon pa sa ulat ng PEP, nakarating daw kay Veybillyn ang video umano ni Sachnza na sumasayaw sa harap ni Jomar at sa dalawa pang pamilyadong lalaki. Siyempre nga naman, masakit daw sa loob ng present jowa ang ganoong eksena, lalo na't wala siyang kamalay-malay sa maaaring gawin ng dalawa habang wala siya.

Isa pa, dumidistansya rin daw sila kay Sachzna dahil sa hiwalayan nila ni Jerome Ponce, at ayaw raw nilang may masabi ang mga tao laban sa kanila.

Hindi pinalampas ni Sachzna ang naging paratang sa kaniya ni Veybillyn at tinawag pa siyang "kabit." Umabot pa ito sa puntong idedemanda raw ni Sachzna si Veybillyn dahil dito.

At ngayong Linggo, Mayo 21, tila nagkaayos-ayos na silang tatlo na mababasa sa kani-kanilang social media posts.

"Sana po wala na po pambabash ang mangyari kay Jomar at kay Sachzna.. Maayos na po napag-usapan personal lahat, aminado kaming pare-parehas kaming nagkamali… maraming misunderstandings sa lahat mas umiral sa amin parehas ang galit pero ang mahalaga ngayon napag-usapan na s'ya ng maayos personal dahil mas mahalaga sa amin ang pagkakaibigan."

"Nakapagpatawad at let go na po kami sa lahat kaya sana kayo rin po 🙏🏻🤍 Gusto ko na lang din magpasalamat kay Tita Christine Laparan Policarpio kasi mas pinili n'yang maging pantay sa amin at hindi naging bias kahit masasakit yung mga nangyari eh mas pinili n'ya po na maging maayos kaming lahat ❤️," ani Veybillyn na tumutukoy sa ina ni Sachzna.

Mababasa naman sa FB post ni Sachzna, "Di pa kami patay, nag away lang. Hehe ok na both sides pasensya na sa tatlong araw n'yong walang tulog. Daming lesson learned lalo na sa sarili ko. Love you Veybillyn ako na lang tatay ni Sety. Charot."

Huli naman ay si Jomar.

"Alam kong maraming nainis at naasar sa nangyari samin. gusto ko lang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan at nagalit naiintindihan ko kayo lahat," aniya.

Ipinaliwanag ni Jomar sa kaniyang FB post ang pinag-ugatan ng problema at online bardagulan ng dalawa.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa kaniyang partner na si Veybillyn.

Humihingi ng dispensa si Jomar sa lahat ng netizens na naabala at naapektuhan sa mga nangyari. Malaya raw ang sinuman na i-unfollow siya sa social media kung naiirita na sila sa kaniya.

"SORRY SA MGA NAINIS AT MGA NAASAR MALAYA PO KAYONG I-UNFOLLOW LAHAT NG SOCMED NA MERON AKO 🙏 HULING SALITA KO NA 'TO SA ISSUE NA 'TO LAHAT NG GAGAWIN PO NAMIN AY MANANATILI NG PRIBADO PARA SA IKAKAAYOS NG LAHAT SALAMAT…"