"Sa imong ambisyon, do not be tambaloslos.”

Ito ang makahulugang pahayag ni Vice President Sara Duterte nitong Linggo ng umaga, Mayo 21, sa kaniyang Instagram post.

May be an image of 1 person and text that says 'indaysaraduterte 28 minutes ago 5,621 likes indaysaraduterte Sa imong ambisyon, do not be tambaloslos. See translation'
Courtesy: VP Sara/ Instagram

National

Hontiveros, pinaiimbestigahan napaulat na mga Pinay na ginagawang surrogates abroad

Hindi pa naman malinaw kung ano o para kanino ang naturang post ng bise presidente.

Matatandaang inanunsyo noong Biyernes, Mayo 19, ni Duterte ang kaniyang pagbibitiw bilang miyembro ng partidong Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

“I am here today because of the trust of the Filipino people in me to lead and serve them and the country, and this cannot be poisoned by political toxicity or undermined by execrable political powerplay,” pahayag ni Duterte sa nang iaununsyo niya ang naturang pagbibitiw.

BASAHIN: VP Sara, nagbitiw bilang miyembro ng Lakas-CMD

Agad namang naglabas ng pahayag ang Lakas-CMD hinggil dito at sinabing nirerespeto nila ang desisyon ng bise presidente.

BASAHIN: Lakas-CMD sa pagbibitiw ni VP Sara sa partido: ‘We respect her decision’

Ang naturang pagbibitiw ni Duterte sa Lakas-CMD ay matapos umanong mangyari ang “demotion” ni Pampanga 2nd district Representative at Lakas-CMD Chairperson Emeritus Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker sa plenary session ng Kamara.

Ayon sa Makabayan solons, ang nangyaring “demotion” kay Arroyo ay maaaring simula ng pagkakaroon ng mga “bitak” sa naturang alyansa.

BASAHIN: ‘UniTeam’ no more? Makabayan solons, nag-react sa mga nangyayaring ‘drama’ sa admin

Ang koneksyon umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Duterte ay si House Speaker Martin Romualdez, ang Lakas-CMD president. Si Romualdez ang siya ring campaign manager noon ni Davao City Mayor Duterte noong May 9, 2022 elections.

Sinabi naman ni Marcos noon ding Biyernes na naniniwala siyang nagbitiw si Duterte bilang miyembro ng Lakas-CMD, dahil gusto niyang ilaan ang karamihan sa kaniyang oras sa kaniyang maraming trabaho sa gobyerno.

BASAHIN: PBBM: ‘Maraming obligasyon ang maaaring dahilan ng pagbibitiw ni VP Sara sa Lakas-CMD’

Samantala, marami sa mga netizen ang napukaw ang atensyon sa salitang "tambalolos."

Ang salitang "Tambaloslos," ay sinasabing tumutukoy sa isang mythical creature na inilarawan bilang "halimaw o kakaibang nilalang na may malaking bibig at ari." Maririnig ito sa pokloriko sa Visayas, Bicol, at Mindanao.