DAVAO CITY -- Ginahasa at pinatay ang isang 28-anyos na architect-engineer at itinapon ang kaniyang katawan sa isang plantasyon ng saging sa lungsod na ito noong Miyerkules, Mayo 17.

Kinilala ni Police Major Catherine dela Rey, DCPO spokesperson, ang biktima na si Vlanche Marie L. Bragas.

Natagpuan ang katawan ni Baragas sa isang plantasyon ng saging sa Subasta Agrarian Reform Beneficiaries Agricultural Cooperative (SARBAC) sa Purok 6, Barangay Dacudao, na tinakpan ng tuyong dahon ng saging, dakong alas-8 ng umaga, walong oras matapos maiulat na nawawala ito bandang 12:30 ng madaling araw. 

Ayon kay Dela Ray, wala pa silang suspek sa nangyaring insidente. Dagdag pa niya, lumalabas sa autopsy ng bangkay ng biktima na ang sanhi ng pagkamatay nito ay “asphyxia by manual strangulation.”

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi rin ni Dela Ray na nakita sa isinagawang eksaminasyon na mayroon itong "recent genital trauma" na nagkukumpirma na ginahasa ang biktima.

Makikita sa surveillance footage na ang biktima ay huling namataang sumakay ng dilaw na tricycle sa Crossing Fausta, Calinan District.

Kinokondena naman ng United Architect of the Philippines-Davao City chapter ang insidente.

“It is with profound sorrow that we extend our deepest condolences to you, your family, loved ones, and friends during this extremely difficult time,” anila.

Sinabi rin ng grupo na ang panggagahasa sa biktima at pagtapon ng katawan sa damuhan ay lubos anilang ikinagulat. 

“This unspeakable act goes against the very fabric of humanity and the principles we hold dear as architects, professionals, and fellow human beings,” dagdag pa nito. 

Antonio Colina IV