Masaya at napatawad na ni "All Purpose Queen" o "Kween Yasmin" ang paaralang nang-ghost sa kaniya ng dalawang buwan, matapos matanggap na nito ang bayad sa kaniyang todo-bigay na performance.

Hiling ng online personality, huwag sana umanong maulit na mangyari pa ito na umabot pa ng dalawang buwan bago niya natanggap ang kaniyang TF.

MAKI-BALITA: Kween Yasmin, dismayado sa paaralang ‘di nagbayad ng talent fee

Aniya, "I received it na po, ang delayed payment of my TF, I performed last March 25, 2023 at De La Salle Medical and Health Sciences Institute.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

I really appreciate your effort, and to all the production team. I accepted the apology. But next time po sana sa mga susunod na event, 'wag na po sana mangyari na aabot na delayed ng two months po.Thanks so much for having me there to perform," dagdag pa niya.

Humingi naman ng kapatawaran ang nasabing paaralan kay Kween Yasmin. Dagdag pa nila, walang umanong katumbas na halaga ang ibinigay na saya ni Kween of Sensation sa mga estudyante.

Si Kween Yasmin o Yasmin Marie Asistido ay kilala sa kaniyang natural na pagpapatawa sa pamamagitan ng kaniyang "own kween cover" sa mga paborito niyang kanta.