"Till death, I do"

Hindi maiwasang maluha ng netizens sa viral  video at larawan ng isang babaeng taga-Guihulngan City, Negros Oriental, matapos itong magpakasal sa kaniyang nobyo na sumakabilang-buhay sa araw mismo ng kanilang 5th anniversary.

Noong nakaraang Sabado, Mayo 13, suot ang kaniyang wedding gown ay nagtungo si Mary  Escribano sa burol ng kaniyang boyfriend na si Jestonie Haincadto para ituloy ang matagal na nilang pangarap na magpakasal.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ginanap ang pag-iisang dibdib isang araw bago dalhin sa kanyang huling hantungan si Jestonie, na nasawi dahil sa cardiac arrest.

Ayon pa kay Mary, humingi pa umano siya ng dalawang senyales kay Jestonie para makapag-desisyon na ituloy ang kanilang kasal, na dapat sana ay sa susunod pa na buwan.

Nagpapasalamat naman ang pamilya at kaibigan ni Jestonie kay Mary dahil tinupad nito ang pangako niyang magpakasal.

"Ang sakit ng ceremony sa inyong kasal, pero nagpakatatag ka para sa pagmamahalan ninyo at salamat dahil sa huling pagkakataon tinupad mo ang pangako mo na walang makakapigil sa pagmamahalan ninyong dalawa kahit kamatayan pa," caption ni Jhaira sa viral video.