Kasado na ang salpukan ng Indonesia at Gilas Pilipinas sa men's basketball tournament sa Southeast Asian (SEA) Games sa Cambodia sa Lunes.

Dakong 6:00 ng gabi, magkikita ang dalawang koponan sa Morodok Techo Stadium sa Phnom Penh, Cambodia para sa kanilang knockout semifinals sa Mayo 15.

Ito ay nang gapiin ng Indonesia ang Thailand, 87-69, nitong Linggo ng gabi.

Rumatsada sa Indonesia ang mga naturalized player nito, kabilang si dating Terrafirma Dyip import Lester Prosper.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Katulong ni Prosper si Jerome Beane sa pagsagasa sa Thailand.

Bago ang nasabing panalo, pinadapa muna ng Indonesia ang Laos, 141-37, at Vietnam, 88-82.

Matatandaang pinataob ng Indonesia ang Gilas, 81-85, sa finals ng 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam noong Mayo 22, 2022.

Bukod sa PH team at Indonesia, maglalaban naman din ang Cambodia at Thailand sa semis sa Lunes, dakong 4:00 ng hapon.