Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Linggo ng madaling araw, Mayo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:16 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 12 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Glan, Sarangani, na may lalim na 59 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Glan, SARANGANI, habang Intensity II naman sa City of General Santos, Tupi, at Tampakan, SOUTH COTABATO.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - City of General Santos, SOUTH COTABATO; Glan, SARANGANI; Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL

Intensity II - Kiamba, Maasim, and Malungon; SARANGANI; Tupi at Tampakan, SOUTH COTABATO

Intensity I - T'boli, SOUTH COTABATO; City of Kidapawan, COTABATO

Wala namang inaasahang ng aftershocks ang lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.